Anne :
tahimik lang ako pero masama talaga loob ko sa mga taong ako yung bukam bibig pag nakatalikod ako, lalo na kung wala naman silang ambag sa buhay ko. i mean, if you’re going to talk about me behind my back, at least make sure may dahilan ka or may value yung sinasabi mo, hindi yung puro kwento lang na wala namang katotohanan. i’m the kind of person na hindi mahilig sa gulo. most of the time i just stay quiet and focus on my own life. pero syempre, hindi ibig sabihin na tahimik ako eh wala na akong nararamdaman. sometimes people think silence means weakness, pero hindi nila alam na minsan pinipili ko lang talaga maging calm kaysa pumatol sa unnecessary drama. kasi honestly, mas gusto ko nalang gamitin yung energy ko sa mga bagay na may sense like improving myself, doing better, and minding my own growth. hindi ko kailangan makisabay sa mga taong ang hobby ay pag usapan ang buhay ng iba. if they have time to keep my name in their mouth, that only shows kung gaano sila ka-bored sa sarili nilang buhay. and the truth is, the people who really know me already understand my character. they know how i treat others and kung ano talaga yung ugali ko. so kung may mga taong gustong gumawa ng issue or magkalat ng kung ano ano tungkol sakin, that’s on them already. hindi ko na kailangang patunayan sarili ko sa mga taong hindi naman mahalaga sa buhay ko. at the end of the day, i’d rather stay quiet and keep my peace. pero sana lang matutunan din ng iba na kung wala naman silang ambag sa buhay ng tao, maybe it’s better to keep their opinions to themselves. kasi minsan yung pagiging tahimik ng isang tao hindi ibig sabihin okay lang lahat pinipili lang talaga nilang hindi pumatol
2026-03-12 10:33:32