Asnaa:/ :
“I will always believe that if someone wants to, they will. Kasi nung ako yung gusto, ginawa ko naman. Kaya hindi ko maintindihan ngayon kung anong silbi ng paghihintay mo sa’kin kung habang naghihintay ka, may iba ka nang gusto.
Sinasabi mo na hihintayin mo ako hanggang maging ready ako, pero bakit parang habang tumatagal, iba na yung tinitingnan mo? Ang sakit isipin na habang inaayos ko sarili ko at naging honest ako na hindi pa ako ready, ikaw naman parang naghahanap na ng iba.
At huwag mo akong tawaging easy to get. Oo, madali akong kausap at approachable ako, pero hindi ibig sabihin nun madali na akong makuha. Kasi kung madali ako, edi sana sinagot na kita noon pa lang.
At alam mo naman kung gaano karaming tao yung nagkakagusto sa’kin. Ang daming naghihintay, ang daming gustong maging kami. Pero kahit ganun, hindi ko sila pinili agad kasi ayoko manloko habang hindi pa ako sigurado.
Kaya nakakapagtaka lang… bakit ikaw na nagsabing maghihintay, ikaw pa yung unang naghanap ng iba? At mas masakit pa, yung nagustuhan mo pa yung crush ko. Habang sinasabi mong hinihintay mo ako, may iba ka na ring pinaparamdam na special siya.
Hindi ako galit, nasaktan lang siguro. Kasi naniwala ako sa mga sinabi mo. Pero ngayon parang napapaisip ako kung totoo ba talaga yung paghihintay mo o gusto mo lang yung idea na may naghihintay kang tao.
Kasi para sa’kin, kung mahal mo talaga yung isang tao, hindi mo kailangan humanap ng iba habang naghihintay ka.”🫶🏻😔
2026-05-20 02:11:23