layol :
sa una lang mahirap pero pinili kong hindi umalis. Hindi ko tinigil ang magmahal, kahit naging mahirap. Natutunan ko na ang mga taong may avoidant side ay hindi agad nagbabago. Kadalasan, hindi nila alam kung paano ilalabas ang nararamdaman nila, kaya mas pinipili nilang umiwas. Hindi dahil wala silang pakialam—kundi dahil mas natatakot sila sa closeness kaysa sa katahimikan.
Kung pipiliin mong manatili, mapapansin mo na dahan-dahan ang pagbabago. Hindi sa malalaking salita, kundi sa maliliit na actions. Isang araw, marerealize mo na mas sinusubukan na nila. Mas nagpapakita na sila, mas nakikipag-communicate, at mas inaako ang mga pagkakamaling dati nilang tinatakbuhan. Hindi mo agad mapapansin, pero balang araw, magugulat ka na lang na binabawi na nila ang mga bagay na minsang nakasakit sa’yo.
Ang pagmamahal sa isang avoidant na tao ay nangangailangan ng pasensya, pag-unawa, at consistency. Hindi ito madali, at hindi rin ito para sa lahat. Pero kapag naramdaman nilang ligtas sila na naiintindihan sila at hindi iniiwan doon sila lumalago. Natututo silang magmahal nang mas maayos. At kapag nangyari ‘yon, mas nagiging malalim, mas intentional, at mas totoo ang pagmamahal dahil pinili mong hindi sumuko noong mahirap
2026-01-18 15:29:54