@gmanews: Nasa Sandiganbayan na rin ang mga dating Bulacan 1st District Assistant Engineer na sina Brice Hernandez at Jaypee Mendoza na mga kapuwa akusado ni dating Sen. Bong Revilla kaugnay ng ghost flood control project sa Pandi, Bulacan. Inaresto ang dalawa habang dumadalo sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee sa Senado kahapon, Jan. 19, kung saan sila nanatiling nakapiit mula pa noong nakaraang taon matapos ma-contempt ng mga senador. Gaya ni Revilla, nakatakda ring dalhin ang dalawa sa Quezon City Jail. | via Maki Pulido/GMA Integrated News #GMAIntegratedNews