brokedih wayne :
I used to ask a million times in my prayers na sana I'll get to feel you in my arms again, na maramdaman ko ulit yung yakap mo. Akala ko nung febuary, another chance yon for a fresh start ulit sa’tin, hindi pala. Another lesson from you na naman pala, ang hirap rin kasi eh no? Yung tipong maghihintay ka para sa isang tao, na hindi mo alam kung kaya pa ba o hindi na kapag tumagal. Pero alam mo, sa’yo lang ako naging ganito, naging tanga sa pag-ibig. Nakailang sabi ka na nabubulag ako sa pag-ibig kaya ko ginagawa yun, oo nga, dahil mahal na mahal kita. Pero lagi mong sinasabi sa akin na ayusin ko sarili ko, ano pa ba dapat ko na ayusin, kung ito naman talaga yung paraan ng pagmamahal ko? Napaisip rin ako, siguro kung ganito laging resulta, hindi talaga para sa’yo yung pagmamahal ko. Siguro yung paraan ng pagmamahal ko, hindi mo kaya. Hindi mo tanggap. Sabi mo, ’di ko alam value ko, pero nararamdaman ko yung halaga ko kapag ikaw kasama ko. Pero siguro nga, ’di mo talaga kaya yung pag-ibig na ibinibigay ko. Loving should never feel like it's too much ’di ba? Maybe for you, my love is too much, but the right person will fit right through it. Mahal na mahal pa rin kita, Jo, kaso alam ko naman na ’di ko na mababawi yung oras na binigay sa atin e. Mahal na mahal pa rin kita, pero nakakapagod rin mahalin ka, kasi nakakalungkot dahil pakiramdam mo ’di mo deserve ’tong pagmamahal ko, kahit na paraan ko lang to na pagpapakita kung ano talaga ang turing ko sa’yo. Hindi na ako humihiling ng isa pang chance, dahil ang Panginoon na ang may alam kung ano ang para sa atin. Baka sa susunod, maiintindihan mo kung bakit ganun ako magpakita ng pagmamahal ko. Maybe in another universe, in another life. But, can't we do it on this one? I love you so much, it hurts. I'll move eventually out of this corner siguro, after you stop haunting me in my dreams. But I'll continue to yearn until I can't. You'll always be my only exception.
2026-03-26 10:54:59