@rachelmoore66: #shocking #encounter #scary #foryoupage #caughtoncamera

Rachel Moore
Rachel Moore
Open In TikTok:
Region: US
Sunday 25 January 2026 03:39:38 GMT
344
9
0
0

Music

Download

Comments

There are no more comments for this video.
To see more videos from user @rachelmoore66, please go to the Tikwm homepage.

Other Videos

Just to imagine… araw-araw ganito ang kalbaryo ng mga taong nagtatrabaho nang maayos, nagsisikap, at pumapasok mula umaga hanggang gabi. Medyo masasabi kong sinuwerte lang ako dahil twice a month lang ako nagre-report sa office. Pero kahit ganoon, ramdam mo talaga kung gaano kahirap bumiyahe. From Shaw, MRT papuntang Cubao, tapos haba ng pila sa shuttle, at kailangan pang mag-Ebus papuntang Marikina. Kaya naisip ko, baka mas mabilis kung mag-aabang na lang ako ng jeep at kahit papaano, makasabit na lang. Exactly 6:30 PM, mula Cubao Aurora, nakasabit na ako sa jeep. At alam n'yo kung anong oras ako nakarating sa Marikina Bayan? 8:45 PM. Halos tatlong oras. Tatlong oras na dapat sana'y pahinga na lang pagkatapos ng isang buong araw na trabaho. At isa pa sa mga naging problema ay ang transport system—lalo na sa LRT, kung saan may mga pagkakataong hindi na umaabot ang biyahe hanggang sa mga lugar na kailangan puntahan ng mga commuter. Habang nakasabit ako sa jeep, napaisip ako… Ganito ba talaga dapat ang buhay ng isang ordinaryong manggagawa? Gising nang maaga. Papasok sa trabaho. Maghahanapbuhay nang maayos. Magpapakapagod buong araw. Tapos pag-uwi, isa na namang laban ang haharapin—trapik, pila, siksikan, at pamasahe. At hindi lang oras ang nawawala. Kasama pati energy, oras para sa pamilya, pahinga, at panahon para sa sarili. Pilipinas, ano na ang nangyayari sa'yo? Habang tumataas ang bilihin, tumataas ang pamasahe, tumataas ang presyo ng gasolina, mas lalong nararamdaman ng ordinaryong Pilipino kung gaano kahirap pagkasyahin ang kinikita. At kapag may problema sa sistema, ang pinakaapektado ay kadalasan ang mga taong walang choice kundi magtiis at pumasok araw-araw para mabuhay. Hindi naman humihingi ng marangyang buhay ang karamihan. Gusto lang namin ng maayos na transportation system, disenteng serbisyo, makatwirang presyo, ligtas na biyahe, at isang buhay na hindi kailangang ubusin sa kalsada. Kaya sa bawat manggagawang araw-araw nakikipagsiksikan, pumipila, nakikipagsapalaran sa traffic, at kahit pagod na pagod na ay patuloy pa ring pumapasok— saludo ako sa'yo. Hindi biro ang araw-araw mong laban. At sana dumating ang panahon na ang pag-uwi galing trabaho ay hindi na isa pang pakikipaglaban. Dahil ang pagtatrabaho nang marangal ay hindi dapat kapalit ang buong buhay mo sa kalsada. 🇵🇭 #stopcorruption #gisingpilipinas  #corruptionphilippines

About