@seckikotiulaurel: Isinagawa namin ang groundbreaking ceremony para sa pagtatayo ng proyektong Value Chain Enhancement of High-Value Crops through Smart Agriculture (VEHCSA) sa Aklan noong Enero 13. Makakatulong ang proyektong ito para mapalakas ang produksyon ng high-value crops sa lalawigan na isa ring tourist destination ng bansa. Bukod sa Aklan, magkakaroon din ng VEHCSA project sa Iloilo, Negros Occidental, at Antique. Pinapasalamatan natin ang bansang Korea sa proyektong ito katuwang nila ang Provincial Government ng Aklan sa pamumuno ni Gov. Miraflores, ang KOICA, at ang DA RFO 6. #ParaSaMasaganangBagongPilipinas #BagongPilipinas