😤😭🙄 :
Alam mo, naiintindihan ko ang sinasabi mo, pero sa tingin ko, kung totoong pagmamahal ang nararamdaman mo, hindi mo siya kailangang i-let go. Ang tunay na pagmamahal, hindi lang tungkol sa paghahanap ng mas ‘better’ na tao, kundi sa pagiging handa mong pagbutihin ang sarili mo at ibuhos ang pagmamahal mo sa kanya. Kung iiwan mo siya, paano mo maipapakita na mahal mo siya? Imbis na ikaw ang nagbibigay ng suporta at pagmamahal, baka mapunta iyon sa iba na dapat ay sa inyo sana.
Kaya kung mahal mo siya, dapat sa kanya mo ibuhos ang pagmamahal mo, hindi sa iba. Iyon ang tunay na love. At minsan, ang pagmamahal ay hindi sinusukat sa paghahanap ng ibang tao o sa pag-iwas sa effort, kundi sa kakayahan mong manatili, maging patient, at patunayan na handa kang gawin ang lahat para sa taong mahal mo kahit gaano kahirap. Kapag iniwan mo siya at hinayaan mo siyang lumapit sa iba, hindi iyon pagmamahal iyon ay takot at pagdududa sa sarili mo. Totoong pagmamahal, inuuna ang happiness at seguridad ng taong mahal mo kaysa sa pride o ego mo.
2026-03-02 15:19:02