@lhen.bundukin: BARAKO BOAR ODORANT — para sa inahing baboy (heat detection & breeding aid) 🐖 Ano ito? Liquid pheromone scent na ginagaya ang amoy ng barako (boar). Ginagamit para mapalabas ang heat (pangangati / standing heat) ng inahin lalo na kung: walang barako sa farm mahina ang sintomas ng heat ayaw magpa-mate repeat breeder 🧠 Ano ang epekto sa inahin? Kapag naamoy ng inahin: nagiging restless / maingay namamaga at namumula ang vulva umaangat ang buntot tumitigil kapag pinindot ang likod (standing reflex) ✅ 👉 ibig sabihin ready na ipa-mate o AI