❣ஐ❣ :
they support me but they don't hug me, and say the words...i love you...im so proud of you...
hindi na ako kagaya ng mga kapatid ko, dati lagi akong nagpapapansin kila ma at pa...di nila ako pinapansin, oo andun yung mga ngiti nila, ngunit hindi ko nararamdaman ang pagmamahal nila, oo napapakita nila pero huli na...noon lagi akong nagki-kiss sa mga pisngi nila, bago pumunta sa school at kapag dumarating galing sa paaralan o kapag umaalis, ngunit hindi ko na yun nagagawa kasi narealize ko na hindi pala talaga ganito. hindi naman talaga nila ako nakikita, napapansin lang nila ako kapag may mga parangal ako na nakukuha sa paaralan, at ipinagmamalaki nila ito, ngunit ito ay ikinukumpara padin sa ibang tao. hindi ko alam kung bakit nila yun nasasabi ngunit lumayo na ang loob ko sa kanila...ako ay isa lamang hamak na anak na ginagawa ang lahat upang mapansin ng mga magulang, naging mabuting anak ako oo, ngayon na pinakita ko ang masama kong ugali parang wala na akong ginawang tama. na parang bang...sa mga tamang ginawa ko, isang pagkakamali lang, yun ang nakikita. ako ay lumayo hindi sa hinihingi ang kanilang atensyon, ako ay lumayo upang makapag-isip at mapag-isa.
2026-04-12 14:30:37