@chuckandjoe: NOON: Nung nagsisimula palang kaming mag-travel, lagi naming pinipili ang window seat. Gusto kasi namin ma-capture 'yung pag take-off at landing ng plane, makita 'yung marshmallow clouds at kapag maganda ang flight schedule, masisilayan pa ang sunrise or sunset. For reference we are 5'9" and 5'10" at okay lang sa amin kahit nasa sulok kami at halos hindi maiunat ang mga legs. Basta magkatabi, at nasa window seat, happy kami. NGAYON: As frequent flyers, na-realize namin na mas mahalaga ang convenience & practicality when flying. Okay na sa amin na hindi magkatabi sa flight ngayon at parehong aisle seat but same row. Mas madaling tumayo at pumunta sa lavatory nang hindi na kailangang manggising ng seatmate. May easy access din sa overhead cabin. Mas may space din gumalaw kasi free on one side. Mas relaxed ang katawan lalo na sa long-haul flights. Na-eenjoy pa rin naman namin ang window seat kapag mga short flights like papuntang Boracay or Hong Kong. Pero sa mga mahahabang byahe tulad nitong flight namin to Dubai, we requested for aisle seats kasi 10 hours 'yung flight. Nung nag-bag drop nga pala kami, may naka-auto assign ng seat sa amin, Window seat sya. Nakiusap kami kung pwede bang ilipat sa aisle at pumayag naman sila. Maaga kasi kaming nag-checkin kaya nagawan pa ng paraan. Tip: kung gusto nyong mamili ng seat at no extra cost, agahan nyo ang punta sa airport para mapagbigyan kayo ng ground officer. Kayo BAEsties, kung papipiliin kayo, anong seat ang gusto nyo? Window, middle or aisle?
Chuck and Joe
Region: PH
Wednesday 25 February 2026 05:48:50 GMT
Music
Download
Comments
Danyyy😎 :
Same. Aisle seat is so convenient! 😍
2026-02-25 05:51:25
1
John Lee 🇵🇭 :
Team window ako para makita ko yung sky.
2026-02-25 06:20:56
1
To see more videos from user @chuckandjoe, please go to the Tikwm
homepage.