@arkidamps_: MPLE Journey 🤍 2 months review, 1 month locked in. Puro pagdududa kung kakayanin ko ba, lalo na’t mahina talaga ako sa math. Bagsak pa sa ilang mock board exams. May mga kaibigan din na di tumuloy sa pag-take kaya medyo nawalan din ako ng gana kung itutuloy pa. Pero sabi ko, andito na ‘to, itutuloy ko na. Pumasa man o hindi, okay lang basta mag-try ako. Sinipagan ko na lang, naniwala sa sarili, at ipinagdasal ko lahat sakanya☝🏻 Day 1, Plumbing Arithmetic. Ni isa sa mga minemorya at inaral kong formula, walang lumabas. Natapos ko yung exam na kakaunti lang ang sure kong sagot. Pero sabi ko, bahala na. Pagdating sa tatlong subjects, medyo lumabas naman ang mga inaral kahit papaano. Sabi ko, okay na ‘to, nagawa ko best ko sa tatlo. Arithmetic na lang talaga ang problema. Pagkatapos ng exam, dumiretso agad ako sa Baguio Cathedral. Ipinagdasal ko na lang kay Lord na Siya na ang bahala. Pumasa man o hindi, ang importante nagawa ko ang best ko at nag-show up ako. Sabi ko na lang, warm-up na lang ‘to para sa Architecture Licensure Exam. Apakabuti ng Panginoon at ng mga taong nasa paligid ko, lalo na sa parents at sa girlfriend ko. Salamat sa supporta at pag cheer up. Pati sa mga taong pinagdasal ako. Hindi talaga ako naniwala na maipapasa ko ‘to. Pero ngayon, RMP na ako. Architect naman next! 🙏 Maraming salamat po sa lahat ng nagdasal at nag-congratulate. 🤍 Jerenz Riniel Dampil, RMP #RMP #registeredmasterplumber #boardpasser #fyp #architecture
arkidamps
Region: PH
Friday 27 February 2026 10:41:10 GMT
Music
Download
Comments
Project R :
congrats Po Arki😁
2026-02-28 12:51:59
1
Lynx :
super proud of you!
2026-03-01 20:04:45
1
Engr. Sah :
Same here. Alay ko ang Arithmetic. Good thing nahatak ng 3 subjects
2026-03-05 06:57:19
0
ARI :
Congrats, Riniel!
2026-02-27 13:44:35
1
YANCY. :
Congrats brotherrr💯
2026-02-27 14:07:36
1
chubbycheeksss :
Congratulations po 🙏🏻✨
2026-02-28 04:00:32
1
To see more videos from user @arkidamps_, please go to the Tikwm
homepage.