@seckikotiulaurel: Tuloy-tuloy na ang suplay ng tubig para sa mga magsasaka sa Mahayag, Molave, Sominot, at Ramon Magsaysay — isang malaking ginhawa para sa kanilang kabuhayan at pang-araw-araw na pangangailangan. Matapos masira ng nagdaang bagyo ang Mahayag Dam, muling nakaranas ng ginhawa ang mga magsasaka nang ito ay maibalik sa maayos na kalagayan sa loob ng sampung buwan. #ParaSaMasaganangBagongPilipinas #BagongPilipinas