@gmanews: SO SINO ‘YUNG GOLDEN RETRIEVER?! 🐶🤣 Kinagigiliwan ngayon sa social media ang bonding ng isang fur baby at kaniyang fur parent. Sa video mula kay YouScooper Vincent Soriano, makikitang tila naglalaro sila ng tug of war ng kaniyang Golden Retriever na fur baby na si Chopper. "Kinukuha niya po ‘yung tali niya, ayaw niya kasing hinahawakan tali niya, tapos bigla ko na lang po naisip na ilagay sa leeg ko. Tapos bigla na lang po niya hinila nang may gigil," kuwento ni YouScooper Vincent. Safe naman daw parehas sina Chopper at YouScooper Vincent matapos ang kanilang naging paglalaro. Tanong tuloy ng ilan sa comment section, "Alin po diyan 'yung Golden Retriever?" #YouScoop Courtesy: YouScooper Vincent Soriano #GMAIntegratedNews