@gmanews: AY, NA-FALL! 🐶🤦🏻♀️ Kinagigiliwan ngayon sa social media ang Chow-chow na si Bonito na nahulog sa isang mababaw na manhole sa isang kalsada sa Antipolo, Rizal. To the rescue naman ang kaniyang best friend na aspin si Enteng na hindi umalis hangga't wala ang kanilang furmom na si YouScooper Divine. Kuwento ni YouScooper Divine, naglalakad lang sila noong araw na iyon nang humiwalay ang dalawa. "Hindi namin siya exactly nakita pero 'yung aspin dog namin [na] best friend niya 'yung nakakita sa kaniya. Hinihintay na may dumaan sa kalsada and then napansin na lang namin noong may dumudungaw na brown na ulo sa manhole..." kuwento ni YouScooper Divine. Pangatlong beses na raw nahulog sa parehong mababaw na manhole si Bonito. Kaya biro ng ilang netizens sa comment section, "May warning sign na nga, doon pa dumaan 🤣" #YouScoop Courtesy: YouScooper Divine