@sy_rizzavalerie: Champorado Ingredients: 1 cup malagkit na bigas (glutinous rice) 4 cups tubig 3 tbsp cocoa powder o tablea (tsokolate) ½ cup asukal (dagdagan o bawasan ayon sa panlasa) ½ cup evaporated milk o condensed milk Procedure: 1 Hugasan ang malagkit na bigas hanggang luminaw ang tubig. 2. Sa isang kaserola, ilagay ang bigas at tubig. Pakuluan sa katamtamang apoy. 3. Haluin paminsan-minsan hanggang lumambot at lumapot ang bigas. 4. Idagdag ang cocoa powder o tablea at haluin hanggang matunaw at humalo ng mabuti. 5. Ilagay ang asukal at kaunting asin, pagkatapos ay haluin hanggang sa maging malapot ang champorado. 6. Ihain habang mainit at lagyan ng evaporated o condensed milk sa ibabaw. Mas masarap kung may kasamang tuyo. #Champorado #MainitNaChamporado #PinoyBreakfast