@gmanews: GRABE ANG TALENT PRO MAX! 🙌🏻🥰 Pinusuan sa social media ang dalawang batang ito na "Grabe ang talent pro max," ika nga ng isang netizen! Parang “sisiw” lang kasi sa kanila nang kantahin ang trending online na kantang “Die On This Hill” ni Sienna Spiro. Ayon kay YouScooper Farrah Frianeza, pamankin niya ang 12-year-old na si Margaret, ang babaeng singer, habang kaklase naman ni Margaret si M-Jay na katabi nito. "Inaya ko lang po sila dito sa bahay para magkantahan and request ko po talaga 'yung 'Die On This Hill' kasi ito po 'yung trending ngayon dito sa TikTok," ani YouScooper Farrah. Good vibes naman ang hatid nito online at komento pa ng isang netizen, "They sounded like the original one! 😭🫶🏻" Ikaw Kapuso, anong pambato mo sa kantahan? Ibahagi na 'yan sa #YouScoop! Courtesy: YouScooper Farrah Frianeza #GMAIntegratedNews