@vnz1ac3: Eto ang isa sa mga inaabangan ko na film na gusto kong panuorin, last year kasi nung nasa mga sinehan pa itong "Lakambini" film, nanghinayang ako kasi pull-out agad sa malapit na sinehan sa hometown ko, parang halos naging multo ko ang pagnuod nito. naka ilang beses akong di nakanood ng nasabing pelikula pero ng makita ko ang announce ng NHCP , tuwang tuwa ako na mapapanood ko na yung "Lakambini" sa wakas. Kinahiligan ko na talaga ang manood ng dula o pelikula na may kinalaman sa kasaysayan natin. Nang mapanood ko ang pelikula, ang mga behind the scenes, ilang pagbabago sa title ng film na inabot ng ilang taon ang paggawa ng pelikula na ito, ang pag-alam sa isa din sa mga kasapi ng Katipunan na si Julio "Giliw" Nakpil atbp. Ito din ang huling pelikula ni Mr. Spanky Manikan (+), Iba iba man ang mukha ng Lakambini sa naging pelikula ng kanyang buhay, napatunayan naman niya kung gaano katapang, kalakas at mapagmahal sa bayan katulad ng kanyang ng naging nobody niya, Ang "Supremo" Gat. Andres Bonifacio 🚩 Isang kasabihan ni Lakambini ang tumatak sakin, "Matakot sa kasaysayan pagka't walang lihim ang hindi nahahayag". Maraming Salamat @pelikulove, @metropolitantheater at #nationalhistoricalcommission sa mga ganitong programa tulad nito na patuloy na pagbuhay sa ating kasaysayan, kultura at sining na meron ang ating bansa #Lakambini #GregoriaDeJesus #METnatinto #Atinto
Vinz Aceremo
Region: PH
Thursday 19 March 2026 08:00:54 GMT
Music
Download
Comments
Vinz Aceremo :
*nobyo yung nasa caption, kanyang nobyo na si "Supremo" Gat. Andres Bonifacio, typo error
2026-03-19 17:15:33
0
To see more videos from user @vnz1ac3, please go to the Tikwm
homepage.