GG•CH4BRO :
pwede mag open up dito?
hindi mo man ako direktang niloko, pero sa dami ng bagay na tinago mo, para na rin akong iniwan kahit kasama pa kita. Mas naging madali sa'yo na maging totoo sa iba, habang ako, kailangan kong manghula kung mahal mo pa ba talaga ako o baka ako na lang ang natira sa atin. Hindi mo na ako kayang titigan gaya ng dati ‘yung tingin na parang ako lang ang laman ng mundo mo. Ngayon, parang palagi kang may ibang iniisip, ibang pinapangiti, at hindi na ako ‘yon. Ginawa ko ang lahat para sa’yo, pero kahit kailan, hindi mo ginawa ang kahit kaunti para iparamdam na sapat ako. Naging choice mo silang lahat, habang ako, unti-unti mong tinuring na routine isang bagay na nandiyan lang, hindi na pinapansin. Natutunan mong iparamdam sa ibang tao na espesyal sila, habang ako, napagod kakahintay na pansinin mo ulit. Hindi mo ako sinaktan sa isang bagsak pero araw-araw, sa mga maliliit mong desisyon, dahan-dahan mong tinanggal ‘yung tiwala ko, ‘yung respeto ko, pati na rin ‘yung sarili ko. Nung kailangan mo ako, ako ‘yung unang nandyan. Pero nung ako na ‘yung nangangailangan, ikaw rin ang unang nawala. At ang mas masakit, hindi mo na ako iniwan pero hindi mo na rin ako pinili. Masakit isipin na ang taong akala mong tatahan sa’yo, siya pa pala ‘yung unang lalayo. At minsan, hindi mo kailangan ng third party para masira ang relasyon. Minsan sapat na ‘yung unti-unting paglimot, ‘yung kakulangan sa effort, ‘yung pakiramdam na ikaw na lang ang may gusto. At ‘yon ang hindi ko na kayang tiisin.
2026-03-31 02:03:39