@chubbs8297: #TESDA Mas pinaigting na TESDA-DepEd collaboration para sa mas job-ready na SHS graduates Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na palakasin ang ugnayan ng edukasyon at industriya upang masigurong job-ready ang bawat Pilipinong mag-aaral, mas pinaigting ng TESDA at DepEd ang kanilang partnership sa technical vocational education and training (TVET). Sa isinagawang joint TESDA-DepEd dialogue kasama ang mga guro at mag-aaral ng Carmen National High School sa Carmen, Davao del Norte, tinalakay ang embedment ng Electrical Installation and Maintenance (EIM) NCII competencies sa Senior High School (SHS) curriculum. Layunin nitong mas maagang maihanda ang mga estudyante sa actual industry skills, habang nasa paaralan pa lang, handa na sa assessment at trabaho ang mga magaaral. #SaTESDAKayangKaya #GanapSaTESDA #FutureReadySenior