Bulingling :
Kung gustong maaga matapos at goal ay nasa top 5 ka,Child 1 to 5, or Adult 1-5,pumunta ng 2am or mas maaga,Pipila ka muna sa waiting area ung sa Right side, pag nag open na ang mga nurse sa Triage, saka kayo papa pilahin sa kabilang side at magkasama na ang Child at Seniors. Sa kabilang pila nmm ang mga adult.Priority ang mga naka sched pg di k naka sched at walk in papabalikin kayo sa unang pila para mag antay sa nurse na pwedeng mag sched sa inyo. Sa nka pila na sa triage,5:30 -6:00 am sila nag bubukas s triage. kaya unang pila palang p punta s Triage, sankatutak na pasensya na ang kailangan mo. Dahil minsan unang pila pa lang may mga nag aaway na. Pag nasa triage ka na dun mo na ibibigay ung form mo na makukuha sa guard pag dating na pagdating mo pa lang. tapos e BP ka at ung oxygen level mo.Sa mga Seniors may ibibigay na maliit na papel, dapat wag wawalain un kse hahanapin un ng nurse sa inyo. Para ma encode ka at mabigyan ng number. Then after Triage, pupunta na kayo dun sa pinaka waiting area kung saan hiwalay na tlga ang Child at Seniors at Adult. May pila din para sa mga refill on meds. kaya laging mag tanong kung saan ang tamang pila mo. Pag naka upo ka na sa waiting area. Mag aantay kayo ulit para nmn sa bawat nurse ng bawat department.Ihanda nyo na ang Card nyo dahil kukunin na ng nurse nyo un pag dumating na sila.Usually mga 7:30am sila dadating. Pag nakuha na ang card nyo kailangan maging aware pala kayo sa pila, ingatan nyo na wag kayo masingitan lalo na kung 2am pa lng andun na kayo. Minsan kse pag dating nung nurse kanya kanya nang pag mamadali.Pero alam namn na ng nurse yung gagawin nila.Habang naka upo kayo at sunod sunod na pila nyo tatapatan lng kayo ng nurse para kunin ang mga card nyo.Pag kuha ni nurse ng card saka nya ipipila ang mga card nyo kay sir dun sa encoding. Then ayun secure na ang number nyo. Sunod na ay ang pag punta sa window ng Philhealth, kukunin ung isa mong number, tatlo kse ung kopya nung number nyo.Ung pangalawang window ay duon mo din ibibigay ung 1,at susulatan nila ng name mo yun.Ayun na!punta ka na kung saang Pavillion ka,then mag wait ka na lang,kain muna kayo sa likod madaming kainan dun.
2026-04-10 02:36:11