@conradoestrellaiii: Mas marami tayong puwedeng pagpilian sa hapag! Sa ating pag-uusap kasama si Mr. Buddy Gancenia, napagdiinan natin na hindi lang kanin ang puwedeng pagkunan ng carbohydrates sa araw-araw. May mga pagkain tulad ng noodles, tinapay, pasta, at gulay na puwede ring maging bahagi ng hapag ng bawat pamilya. Sa Pilipinas, unti-unti na rin tayong nasasanay sa iba’t ibang uri ng pagkain. Magandang paalala ito na mas marami tayong puwedeng pagpilian na abot-kaya, madaling ihanda, at swak sa panlasang nakasanayan natin. Sa mas maraming pagpipilian, mas napaghahandaan natin ang pangangailangan ng bawat tahanan. 🌾 #ManongConrado #SecConradoEstrellaIII #DARlingNgMagsasaka