@kaye2.6: Bakit ang hilig ng mga Pilipino gawing retirement plan ang mga anak? Hindi dahil masama ang mga magulang. Hindi dahil wala silang pagmamahal. Yun kasi ang nakita nilang sistema habang lumalaki sila. Ganito ang cycle. Walang ipon. Walang pension. Walang retirement fund. Kaya ang nagiging plano… “Anak ang bahala paglaki.” Hindi ito laging sinasabi ng diretso. Pero nararamdaman. “Mag-aral ka mabuti para ikaw ang mag-ahon sa pamilya.” “Balang araw ikaw ang tutulong sa amin.” “Ikaw na ang pag-asa namin.” Unti-unti… nagiging responsibilidad ng anak ang buhay na hindi naman niya pinili. At doon nagsisimula ang problema. Kapag ang anak ginawang retirement plan nawawala ang tunay na role ng pagiging magulang. Kasi ang trabaho ng magulang hindi gumawa ng tagapag-salba. Ang trabaho ng magulang maghanda para hindi maging pabigat sa anak. Oo, normal tumulong ang anak. Normal magmahal. Normal magbigay kapag kaya na. Pero ibang usapan kapag obligasyon na. Kapag parang utang na loob na kailangang bayaran habang buhay. Ang bata hindi nag request na ipanganak. Ikaw ang nagdesisyon. Kaya kung mahal mo talaga ang magiging anak mo, huwag mo siyang gawing retirement plan. Gawin mo siyang anak. Hindi investment. Hindi insurance. Hindi escape plan sa kahirapan. #KarlSerrano #parenting #mindset

~shen♡♡
~shen♡♡
Open In TikTok:
Region: PH
Tuesday 31 March 2026 16:23:55 GMT
14430
144
19
15

Music

Download

Comments

linyouhuang168
user5921549946616 :
di retirement plan yun obligasyon nila yun sa magulang nila
2026-04-09 09:38:59
0
02sophie11
>Ymer 🌽🍓🌭🍢🐥 :
not all think before you click
2026-04-04 15:50:29
0
aizy.devera
♈Aizy🩷🤍🧡 :
As a breadwinner it's my choice to help my parents and my siblings.
2026-04-03 15:16:50
1
towel207
tWaLya :
anong masama sa pagtulong sa mga magulang??? harapin kasi natin mga problema at mga pagsubok hindi yong ganyang pag iisip, ang buhay may ganyan talaga na times na kulang at times na meron,
2026-04-03 15:37:56
0
caalllooy
¢a loy :
kabaliktaran lng po ng hirap nila nuon ang ginagawa mo ngayun.
2026-04-07 08:08:47
1
lod.cariaga
Lod Cariaga :
himdi po lahat ng magulang
2026-04-03 08:02:25
0
loveloveko212
😘Ilove you loveko misskilay😘 :
Ako makita kulang ang anak ko habang lumaki isang lang ipangako sa kanya yung magtapos siya sa pag aaral kahit walang kapalit basta nasa maayus lang ang kalagayan ng anak ko masaya na ako🥰🥰🥰
2026-04-01 09:04:01
1
juntzzzzzzy
Juntzzzzzzy :
bilang sukli nang pag mamahal mo sa mga magulang....kahit kailan Hindi kayang pantayan Ang pag mamahal nila sayo nong bata kapa hanggang sa pag laki mo....
2026-04-01 07:53:28
0
malik.sansaluna
Malik Sansaluna :
magulang kanaba
2026-03-31 22:07:45
0
jep.rojas
π§£$¥€ :
ako kahit kumplekado buhay ko d ako nag papaapekto.
2026-04-06 11:49:42
0
kaye2.6
~shen♡♡ :
📍hi guys to clarify things langss this post is not meant to disrespect parents, I understand the sacrifices they make. this is about breaking unhealthy expectations, not removing love or responsibility, HELPING YOUR FAMILY SHOULD COME FROM LOVE, NOT PRESSURE dahil nagiging life cycle na ng Pinoy to. Hindi ko naman nilalahat. Again, HELPING YOUR FAMILY SHOULD COME FROM LOVE, NOT PRESSURE. ✨
2026-04-01 11:46:25
3
kibyong26
kibyong26 :
may mga magulang Kasi ginagawa nilang investment Ang kanilang anak. kaya may mga anak din na Galit din sa mga magulang dahil subra na Ang nasasabi nila
2026-04-01 03:48:48
1
dondguims
Guimboy :
mali dapat magulang ang bahala sa kinabukasan ng mga anak, kasi kung eaasa nating sa mga nak natin ang kinabukasan natin e hindi na man tayo babalik sa pag kabata para ma tikman ang sarap ng buhay. Logic lang mga kapatid. mak kasabihan nga sa south africa na "if you are poor make a rich family"
2026-04-06 06:10:25
1
0bigboss3
BATMAN :
dahil tiwala Sila na Anak lang ang pwdeng tumulung sakanila sa Oras na Dina nila kayang mag hanap Buhay Kya Kung may Anak na di kayang ebegay Yun Wala na Silang maasahan pa😥😥😭😭
2026-04-03 15:15:56
0
drasam
drasam :
alam mo ba kung ano sinasabi mo. kaya ganun Ang ginagawa para Ang mga Bata ayy Hindi mapariwara at Hindi lumaki tamad .Hindi retirement plan yun .hinahanda lang namin Sila para pagdating Ng araw Hindi na Sila hihingi Sa iba .... siguro alam mo nmn na Ang karamihan dto Sa pinas ayy mahihirap ..
2026-04-02 22:49:30
0
nics_xxd
john paul angay :
yun lang talaga ang sistema walang ibang tutulong sa magulang natin kung hindi tayo lang, kasi papunta na sila sa pag tanda at paghina ,gets mo yun
2026-04-06 14:47:39
1
angelomontevirgen
Japanese :
🤣🤣🤣
2026-04-03 04:25:53
0
To see more videos from user @kaye2.6, please go to the Tikwm homepage.

Other Videos


About