Brienan Luke. :
Aasa pa ba ako, o uusad na?" Ang hirap sagutin ng tanong na'yam kapag mahal mo pa. Kasi sa totoo lang, araw araw ko 'yang tinatanong sa sarili ko. May mga araw na sinasabi kong "sige, sapat na, uusan nako" pero pag dumating yung gabi, pag tahimik na lahat, "paano kung may chance pa? Paano kung kailangan lang ng oras? Paano kung hinihintay lang din nya ako, katulad ng paghihintay ko sa kanya? Sinusubukan kong maging okay. Sinusubukan kong maging strong. Pinipilit kong paniwalaan na may dahilan kung bakit kami humantong dito. Pero hindi, hindi madaling kalimutan yung taong minahal mo kahit wala ka nang kasiguradujan. Kasi kahit anong gawin ko, kahit anong distraction, kahit anong pilit na "move on" may parte pa rin sa akin ba umaasa, pero totoo, pero natatakot din ako. Natatakot akong maghintay sa wala. Natatakot akong maubos kakahintay. Natatakot akong gumising balang araw na nagpagtanto kong ang tagal kong tumigil sa sarili kong buhay dahil sa pag-asang hindi naman pala babalik. Ang sakit isipin na baka habang naghihintay ako, sya matagal nang nakapag-move forward, na baka ako lang yung naiwan, nakakapit pa rin sa alaala. Kaya heto ako, nasa gitna, hindi pa tuluyang umaalis, pero hindi rin makausad ng buo. May mga araw na pinipili kong umasa, may mga araw na pinipili ko pa rin sya. Dala ko pa rin yung pagmamahal, yung panghihinayang, yung tanong na walang sagot. Siguro hindi naman agad-agad kailangan pumili. Siguro okay lang na aminin na mahal ko pa. Na umaasa pa, na nasasaktan pa. Siguro ang mahalaga ngayon ay hindi king paaba pa ba ako o uusad na, kundi kung paano ko aalagaan yung sarili ko sa pagitan ng dalawang iyon. Kasi mahal ko pa, oo. Pero kailangan ko ring matutong mahalin sarili ko, kahit dahan-dahan lang. At baka balang araw, hindi ko na kailangang itanong kung aasa pa ba ako o uusad na. Kasi kusa na lang darating yung sagot. Kapag handa na akong bitawan, o kapag handa na siyang bumalik: hanggang doon, mananatili ako dito, nagmamahal, nagdadalawang-isip, umaasa
2026-04-15 14:30:39