Jek✧ :
masakit. hindi naman ako ni-reject, pero hindi rin siya nagbigay ng kahit anong sagot. na para bang iniwan niya lang ako sa gitna ng mensahe ko at katahimikan. wala siyang sinabi tungkol sa nararamdaman ko, at habang tumatagal, naging avoidant na siya, hanggang sa pareho na kaming umiwas sa isa’t isa. ang bigat sa pakiramdam, nakakapanhina, at sobra akong napapaisip gabi-gabi. mas okay pa sana kung ni-reject niya ako nang maayos. kahit masakit, at least malinaw hayst kahit ganon nalang sana. at least may closure. kahit papaano, baka nagawa pa naming manatiling magkaibigan. pero yung ganito na walang sagot, walang linaw. parang mas masakit pa kaysa sa rejection e. nagsisisi tuloy ako na nag-confess ako nang tatlong beses. pakiramdam ko, ako rin yung sumira sa kung anong meron kami dati. mgayon, nag-iilangan na kaming dalawa. ang awkward na, ang layo na niya, at hindi ko na alam kung paano babalik sa dati. miss ko na siyang kausap, bro. yung simpleng usapan lang, yung presence niya, kahit walang label. kahit alam kong hindi niya kayang i-reciprocate yung nararamdaman ko, sana naging honest na lang siya. sana sinabi niya na hanggang doon lang talaga.
kasi kung ni-reject niya lang ako nang maayos, hindi sana ako ganito ka-lost ngayon. hindi sana ganito ka-bigat. hindi sana kami nagkakaiwasan.
pero sa totoo lang. sana ni-reject niya na lang talaga ako.
2026-04-15 01:43:22