@mommyyanna53: “Ang payat naman ng anak mo.” Mukha lang itong simpleng komento, pero para sa isang bata, maaaring ito ang maging simula ng pagdududa sa sarili. Hindi natin alam kung paano nila dinadala ang mga salitang naririnig nila—kung paano ito unti-unting nagiging insecurities, kung paano nito binabago ang paraan ng pagtingin nila sa sarili nilang katawan. Ang mga bata ay natututong mahalin ang sarili base sa kung ano ang naririnig nila sa paligid nila. Kaya kung paulit-ulit nilang maririnig na “ang payat" o "ang taba" mo, doon nagsisimula ang self-doubt. Hindi lahat ng payat ay unhealthy. Hindi lahat ng mataba ay unhealthy—Ang bata dapat lumalaki na may kumpiyansa at pagmamahal sa sarili. Ang mga bata hindi dapat ginagawang subject ng body shaming. Sila ang pinakaunang dapat tinuturuan ng self-love, hindi self-doubt. Kung wala kang magandang sasabihim, mas mabuting manahimik ka nalang. Words matter. Choose them gently. 💛 #StopBodyShaming #ProtectOurKids #kindwordsonly
i agree with this. kaya rin ganon ako ka-firm with my baby's boundaries kasi there will always be people na gaganitohin ang anak mo and sometimes you cannot just get away with it so you adjust.
2026-04-13 01:41:32
7
To see more videos from user @mommyyanna53, please go to the Tikwm
homepage.