k :
I'm tired being the middle child is such a strange feeling, no? para kang laging nasa gitna ng lahat, pero somehow ikaw din yung madalas hindi napapansin. hindi ka panganay na laging may expectations na kailangang abutin, at hindi ka rin bunso na madalas inuunawa, inaalagaan, at pinapaboran dahil sila ang “baby” ng pamilya. ikaw yung nasa pagitan. yung tahimik na espasyo sa gitna. yung anak na natutong umintindi kahit walang nagturo, natutong mag-adjust kahit walang nagsabi, at natutong magpakatatag kahit minsan gusto mo na ring mapagod.
ang hirap maging middle child kasi sanay kang ikaw yung nag-aadjust para sa lahat. kapag may kailangan ang isa, ikaw yung kusang umiintindi. kapag may problema, ikaw yung marunong makiramdam. kapag may tensyon, ikaw yung tahimik na nag-aayos kahit walang nakakaalam kung gaano ka rin kabigat sa loob. nasanay ka na lang maging “okay” sa paningin ng lahat, kasi parang iyon na yung role mo. yung maging strong. yung maging independent. yung hindi kailangang kamustahin kasi iniisip nila kaya mo naman.
pero ang totoo, napapagod ka rin.
napapagod kang laging umintindi habang ikaw naman yung hindi maintindihan. napapagod kang maging available para sa iba habang walang nakakapansin na ikaw rin, may mga panahong gusto mo lang may yumakap sa’yo at magsabing, “okay ka lang ba talaga?” napapagod kang itago yung bigat na dala mo dahil pakiramdam mo wala namang makikinig, o baka kapag nagsalita ka, hindi rin naman maiintindihan.
ang sakit minsan isipin na kaya mong i-celebrate lahat ng achievements ng mga kapatid mo, kaya mong maging genuinely happy para sa kanila, pero kapag ikaw yung may naabot, parang ordinary day lang para sa iba. hindi dahil wala silang pakialam siguro, pero minsan nasanay na silang hindi ka bigyan ng extra attention dahil iniisip nilang hindi mo kailangan. kasi sa paningin nila, ikaw yung independent. ikaw yung laging okay.
pero hindi nila alam, ikaw rin yung anak na minsang naghihintay mapansin. ikaw rin yung taong gusto marinig na proud sila sa’yo. ikaw rin yung gustong ma-feel na pinipili, na naaalala, na importante.
minsan naiisip mo siguro kung ano kayang pakiramdam maging first choice.
2026-06-12 07:34:54