@rafsynch: 1.Indicator Overload Dati akala ko kapag mas maraming indicators, mas accurate. Puno yung chart ko ng iba't ibang indicators hanggang sa hindi ko na makita yung mismong price action. Ang ending? Analysis Paralysis. Narealize ko na less is more, kunin mo lang yung kailangan mo then i-master mo yon. 2.Strategy Hopping Isang talo lang, palit agad ng strategy. Akala ko yung system ang may mali, yun pala yung discipline at patience ko. Hindi ko nabibigyan ng oras yung strategy para gumana yung probability na binigay nung backtesting ko. Kung laging bago ang system mo, hindi mo makikita kung paano ang tamang adjustment. 3.Always looking for 100% Winrate Inubos ko yung oras ko sa paghahanap ng strategy na walang talo. And after some time, marerealize mo na lang sa trading, kailangang tanggapin na ang loss ay part ng business. Ang goal ay hindi yung hindi matalo, kundi dapat mas malaki ang panalo mo kesa sa talo at the end of the day. 4.Tinigil ko ang pakikinig sa hype sa Social Media Dati, kapag nakita ko sa Twitter o FB na "To the Moon" na ang isang coin, bibili agad ako nang walang analysis. FOMO ang tawag dun. Tinigil ko ang pag-asa sa opinyon ng iba. Ngayon, kung wala sa checklist ko at hindi ko setup, kahit mag-100x pa 'yan, hindi ako papasok. Wala ka naman ding sisihing iba kundi sarili mo. Remember, mas safe ang sarili mong analysis kesa sa hype ng iba. 5.Practice 1-2% risk per trade Akala ko dati, para mabilis yumaman, kailangan malaki lagi ang position sizing. "All-in" mentality. Isang maling pitik lang ng price, sunog agad ang account. Nung natigil ko na yung gambling mentality at naintindihan ko na ang trading ay isang game of probabilities, doon ako naging profitable. Kahit matalo ako ng 5 times sunod-sunod, buhay pa rin at kaya pa rin maghanap ng next opportunity yung account ko. #forex #crypto #cryptoeducation #tradingreality #trading
Raf
Region: PH
Saturday 18 April 2026 15:46:36 GMT
Music
Download
Comments
Jaica | Yael | Jenniel 🍀 :
@Niel
2026-04-19 08:00:33
0
To see more videos from user @rafsynch, please go to the Tikwm
homepage.