@gmanews: SULIT ANG PAMBAYAD SA GAS 🎤🎶⛽️ Ibinahagi ni YouScooper Gelo Buencamino ang kakaibang experience sa kanilang gas station sa Amvel C5 Extension, kung saan tila may pa-“mini concert” habang nagpapagas ang mga motorista. Ayon kay Gelo, ang kaniyang kapatid na si Chesca Buencamino ang dealer ng gas station, at naisip nitong kantahan ang mga empleyadong naka-off duty habang nakapila ang mga customers. Dagdag pa niya, karamihan sa kanilang staff ay mahilig kumanta at sumayaw, kaya game na game ang mga ito na magpasaya ng mga kapwa Pilipino habang naghihintay. Kuwento pa ni Gelo, kuha ang video noong may rollback sa presyo ng gasolina. Ngunit maging price increase man o rollback, tuloy-tuloy ang kanilang “concert” para magbigay saya sa mga customer. Layunin din umano nila na gawing mas masaya at enjoyable ang experience ng bawat bumibisita sa kanilang gas station sa Amvel C5 Extension. #YouScoop Courtesy: YouScooper Gelo Buencamino