An1ine :
Ang unfair kasi, boi. I mean, ikaw yung nagpunta sa buhay ko—ikaw yung nag-reach out. Ako, hindi pa ako naghahanap ng kahit sino noon, kasi part of me hindi pa naka-move on sa past ko. Ikaw yung pumasok. You made me think na may meaning lahat ng ‘to between us. Hindi naman ako manhid—I noticed your actions right away. Kaya lang naman ako na-attach kasi you made me feel seen. Ikaw yung taong nagparamdam sa’kin na gusto mo ako. Sa totoo lang, sa lahat ng nagkagusto sa’kin, ni-isa walang nagparamdam nang ganon. Siguro kasi alam nilang may gusto akong iba. Pero ikaw? Tangina hindi ka sumuko. Kahit akala mong may gusto akong iba, nag-first move ka, pinakita mo pa rin na gusto mo ako. Lagi mo pa akong kinekwento sa friends mo—pinapahalata mo talaga. Dapat nga hindi kita nagustuhan eh. Pero ayun… nahulog ako. Because of your actions. As time went by, alam mo naman na gusto na rin kita, diba? Pero may situation ka na hindi mo mabitawan. Yes, alam kong may sarili kang pinagdadaanan, and I do too. Pero hindi ko mapigilan ma-attach sa’yo. Ngayon, hindi ko maiwasang mag-isip, nagustuhan mo ba talaga ako? Or nagustuhan mo lang ako dahil sa actions ko? Or baka ginamit mo lang ako para maka-move on sa past mo? Kasi possible naman, diba? Kita naman—miss mo pa siya. Despite all that, I’m still grateful na nakilala kita. You made me realize na hindi dapat ma-attach sa taong mahal pa rin ang past niya. Thank you for the memories, kahit hanggang talking stage lang tayo. I hope our paths don’t cross again.
2026-05-11 13:35:59