@erzurah: NAKAKADUROG NG PUSO! 💔 MAGSASAMPA NG KASO ANG MGA MAGULANG NG 14-ANYOS NA BINATILYO NA NASA*GASAAN NG MODERN JEEP SA CEBU CITY. “Hindi kami makikipag-settle. Magsasampa talaga kami ng kaso. Parang wala lang kasi sa kanila ang nangyari.” Ito ang emosyonal na pahayag ni Cathyrine Regis laban sa driver ng modern jeep na nakasagasa at naging sanhi ng pagkamatay ng kanyang 14-anyos na anak noong madaling araw ng Abril 30 sa Archbishop Reyes Avenue, Cebu City. Ayon sa pamilya ng bikt*ima, sinubukan umanong tumakas ng driver na kinilalang si alyas “Junel,” at hinihikayat pa umano ito ng konduktor na umalis matapos masag*asaan ang kanilang anak. Dahil dito, desidido ang pamilya na magsampa ng kaso at panagutin ang mga responsable. Sa panayam nitong Mayo 2, ibinahagi ng ina na simula nang mangyari ang trahe*dya ay wala pa umanong kumokontak o nakikipag-usap sa kanila mula sa operator ng modern jeep. Giit ng pamilya, gagawin nila ang lahat upang makamit ang hustisya para sa kanilang anak. Mahilig umano sa skateboarding ang bikti*ma sa loob ng dalawang taon, ngunit noong gabing iyon ay nakipagkita lamang ito sa kanyang mga kaibigan upang maglaro ng basketball. Habang pauwi sila at naglalakad sa gilid ng kalsada, bigla na lamang umano silang nabangga at nasaga&saan ng mabilis na modern jeep. Batay rin sa imbes*tigasyon, napag-alamang lasing umano ang driver nang mangyari ang insi*dente. Ayon pa sa ulat, nang tangkaing tumakas ng driver, hinabol ito ng mga kaibigan ng bikti*ma ngunit sila umano ay pinagbawalan at hinarangan ng konduktor. Mabuti na lamang at may tumulong na taxi driver na humarang sa jeep upang hindi makatakas ang driver dahilan para maaresto at madetine ito sa Traffic Enforcement Unit. Sa kasalukuyan, nakaburol na ang labi ng biktima sa kanilang tahanan sa Englis V. Rama, Barangay Guadalupe, Cebu City. #AnecitaEmpuertoJarden #justice #cctophotonotmine

Pobreng Donya blogz ❤
Pobreng Donya blogz ❤
Open In TikTok:
Region: PH
Saturday 02 May 2026 14:05:38 GMT
1040
7
0
0

Music

Download

Comments

There are no more comments for this video.
To see more videos from user @erzurah, please go to the Tikwm homepage.

Other Videos


About