@gmanews: Ikinuwento ni YouScooper Kenneth Urbano sa GMA News ang kaniyang jogging experience sa Albay matapos masaksihan ang pagbuga ng makapal at maitim na usok mula sa Bulkang Mayon noong May 2, 2026. Si Kenneth ang nasa viral video na nagdya-jogging kasama ang kaniyang mga kaibigan sa Camalig Bypass Road nang mapansin nila ang paglabas ng usok mula sa bulkan na kalauna’y kumapal at dumilim. Nilinaw din ni Kenneth kung bakit tila nakangiti siya habang nagvi-video. Ayon sa kaniya, dulot ito ng “adrenaline rush” habang iniisip kung paano sila makakalayo nang ligtas habang patuloy na nag-aalburoto ang Bulkang Mayon. #GMANews #YouScoop