@gmanews: TRIGGER WARNING: Animal death Apektado ang kabuhayan ng mga magsasaka sa Camalig, Albay matapos ang ashfall na dulot ng pag-alburoto ng Bulkang Mayon noong May 2, 2026. Sa Brgy. Anoling, natabunan ng makapal na abo ang mga sakahan na nagdulot ng pagkasira at pagkalanta ng mga pananim. Ayon sa ulat, namatay ang limang kalabaw at dalawang baka dahil sa ashfall, habang isa pang baka at isang kalabaw ang patuloy na pinaghahanap. Patuloy ang monitoring ng mga lokal na awtoridad sa sitwasyon. COURTESY: Mayor Caloy Baldo/Facebook via Bea Pinlac/GMA News