Micah :
Silent repost kasi I would always say na normal na araw lang yung birthday ko and I don't want to celebrate na kasi I'm getting old, pero yung totoo? Nalulungkot lang ako pag birthdays ang usapan kasi naaalala ko kung pano ako mag-effort sa birthday ng iba. I'm just a student, pero pag may nag birthday sa fam ko, palagi ako nagbibigay ng gifts/money to the point na tuwing nagkakaroon ako ng pera tuwing pasko, nagtatabi agad ako pambigay sakanila. Not just to my fam ha, I give things to my friends also. Nung december, may dalawa akong friend na nag birthday and my other friends thought of surprising them with cakes, so I said yes. Apat kaming nagplan non para dun sa dalawa and ako yung bumili ng cake since nakiusap sila sakin so pumayag ako. Nung nagbayad ako, the total amount was about 600+ (dalawang maliit na cake binili namin) so ang sinabi ko nalang is tig-100 nalang yung ibigay nila saakin, so bale 300 yung akin then silang tatlo is tig-100. Hindi ko na pinaalala yung babayaran nila, basta hinayaan ko nalang sila na magbayad nang kusa pero isa lang yung nagbayad. Siguro medyo na-disappoint lang din ako kasi nung nag birthday ako nung feb, inaya ko sila mag mcdo and sabi ko, ako na magbabayad sa lahat. Pumayag naman sila pero hindi ko nafeel yung birthday ko kasi alam nilang birthday ko yun, pero parang walang bumati sakin that day kahit palagi ko silang binabati. Hindi ko alam kung naiilang sila pero kasi yun lang naman yung gusto ko, yung mapafeel sakin na special ako, kahit isang araw lang. Yung pera na ginamit ko that day is akin talaga, binibigyan ako nung nanay ko but I insisted. Ewan ko ba kung bakit ang babaw ko haha, naiinis din ako sa sarili ko. Siguro nga sobrang madrama lang talaga ako, pero thankyou kung may magbabasa ng rant ko haha
2026-05-07 11:10:53