:
i'm sorrym... sorry sa lahat ng pagkukulang ko. i know may mga times na hindi ko naibibigay yung dapat at nasaktan kita nang hindi mo deserve. hindi man ako naging perfect, i was really trying naman baby, pero minsan parang kulang pa rin lahat ng ginagawa ko and i'm sorry for that. hindi ko rin gusto na umabot tayo sa point na nasasaktan na kita dahil sa ugali ko, sa pagiging distant ko, at sa mga pagkakataong hindi ko maayos mahandle yung emotions ko.
minahal kita ng totoo. lahat ng moments natin, lahat ng memories na nabuo natin, walang peke don para sakin. every laugh, every late night talks, every lambing mo, lahat yon sobrang importante sakin at hindi ko yon basta basta makakalimutan. pero aminado ako, masyadong nanaig yung kaba, overthinking, at yung gulo ng isip ko kaya naapektuhan kung paano kita trinato. hindi kita dapat nadadamay sa mga battles na ako lang naman talaga ang may problema, and i'm sorry nangyari pa rin.
minsan gusto ko lang mapag isa hindi dahil ayoko sayo, kundi dahil hindi ko maintindihan sarili ko. nahihirapan din akong iexplain lahat kasi kahit ako nalilito sa nararamdaman ko. ayoko na maramdaman mong hindi ka enough kasi baby sobra sobra ka pa nga. wala kang pagkukulang sakin, ako tong maraming bagay na kailangan ayusin sa sarili ko.
2026-06-18 14:15:20