@tatertotsnisavi: gusto kita with all my hypothalamus—sa bahaging hindi kayang kontrolin ng lohika, sa pinakailalim ng sistemang matagal ko nang sinusubukang patahimikin. gusto kita sa paraang hindi na dumadaan sa pagpapasya, kundi kusa na lang nangyayari, gaya ng paghinga, gaya ng pagkapagod ng katawan pagkauwi sa gabi, gaya ng pagdaloy ng dugo kahit wala namang utos. takot ako sa katotohanang may mga taong hindi mo naman sinasadyang gawing sentro ng sarili mo, pero unti-unti nilang naaayos ang ikot ng mundo mo nang hindi nila alam. dahil mula nang dumating ka, parang may bahagi sa loob kong matagal nang nakatihaya sa dilim ang biglang nagkaroon ng dahilan para muling mamulat. nakapagtataka kung paano nagiging tahanan ang isang tao nang hindi naman siya humihingi ng espasyo. kung paano mo nagagawang patahimikin ang mga ingay na ilang taon ko nang dinadala sa dibdib ko. dati, sanay akong akuin ang sarili kong bigat pero dumating kang parang liwanag na hindi marahas; hindi sumabog, hindi mapanakit sa mata. dahan-dahan ka lang sumiksik sa pagitan ng mga bitak ko hanggang napansin kong may mga parte sa’kin na hindi na gustong masira ulit. at doon ko naintindihan kung bakit may mga taong kayang baguhin ang temperatura ng buong pagkatao mo nang hindi ka man lang hinahawakan. gusto kita sa paraang organiko—parang ugat ng punong matagal nang naghahanap ng tubig sa ilalim ng tuyong lupa. parang katawan na kahit sukang-suka na sa pagpupuyat ay pinipili pa ring manatiling gising para sa isang pangalan. gusto kita sa paraang kahit hindi kita kaharap, may impluwensya ka sa paraan ng pagtulog ko, sa bilis ng tibok ng dibdib ko, sa gutom kong minsan nawawala at minsan naman lumalalim. para kang naging lihim na kemikal sa loob ng sistema ko—hindi nakikita, pero lahat naaapektuhan. at kung may bahagi man sa akin na instinto na ang mabuhay, sa pagnanais manatili kahit pagod na pagod na—doon yata kita inilagak. kaya siguro kahit ilang beses kong sabihin sa sariling kaya kong maging walang pakialam, bumabalik pa rin ako sa’yo na parang katawan sa pahinga. parang nilalang na sa wakas ay may natagpuang dahilan para hindi tuluyang mawala. gusto kita with all my hypothalamus—sa paraang parang pelikula ni Dwein Baltazar kung saan lahat magulo pero tuloy pa rin ang ikot ng siyudad. parang alas-tres ng umaga sa ilalim ng overpass habang nag-uunahan ng busina, nagkakapatong-patong ang ilaw ng mga karinderyang bukas pa, at may kung anong pagod ang Maynila na hindi na kayang itago. ikaw ‘yung uri ng tao na parang hindi dapat dumarating sa buhay ng katulad ko—masyado kang totoo para sa isang panahong puro puno ng pagaalala na lang ang alam ko. pero heto tayo: dalawang taong sabay nilalamon ng lungsod at ng kani-kaniyang isip, pilit naghahanap ng katahimikan sa gitna ng usok, at mga araw na walang malinaw na direksyon. at siguro doon kita pinakamahal: sa gitna ng lahat ng gulo na pilit kong tinatakasan, ikaw mismo ang naging pinakamagandang sakuna na hindi ko magawang iwasan. dahil tulad ng pagtingin ng karamihan sa isang katulad ni Aileen, para sa akin ay ikaw din ang Maynila.
salvacíon
Region: PH
Saturday 09 May 2026 11:55:47 GMT
Music
Download
Comments
salvacíon :
heavy reference sa Gusto Kita With All My Hypothalamus ni Dwein Baltazar:D if hindi mo pa napapanood, please do. all the longing, chaos, and loneliness of the city lives there!
2026-05-09 11:59:20
561
… :
THAT ONE LETTERBOXD REVIEW
2026-05-11 11:02:57
206
winona :
my all time fav local romance film
2026-05-10 11:41:36
63
vyevve :
that so beautifully written
2026-05-10 10:51:35
20
saoirse. :
love you, mama aileen
2026-05-17 01:18:34
6
Zedd Burgos :
yung salitang gusto kita sa paraaang dina dumadaan sa pagpapasya kundi kusa na lang na nangyayari......tssssk imposible ata yun😔
2026-09-20 07:19:53
0
dae :
lucky for your, aileen
2026-05-12 11:11:55
7
RAN :
I love you Manila!
2026-05-20 07:56:07
2
sheen :
where to watch?
2026-06-23 01:46:05
1
🧸🪩🩰 :
mahal kita aileen!
2026-05-11 06:20:04
3
Achi :
who is bro
2026-05-17 20:12:11
2
emyyyyy :
iloveyou@Marina Delorino Dela cruz
2026-05-16 11:54:04
1
Kihara Tsumugu :
😭💕
2026-05-11 11:20:11
2
❁ :
🥰🥰
2026-05-09 12:03:25
1
𝓙𝓮𝓷𝓷𝔂ᨶ႒ᩚ :
😔💛💛
2026-06-15 12:29:57
1
eka ✯ :
🫀🫀🫀🫀🫀
2026-05-09 12:07:27
1
To see more videos from user @tatertotsnisavi, please go to the Tikwm
homepage.