yuuu :
hindi ko to sinasabi para makipag away ha, gusto ko lang maintindihan mo ko. lately kasi parang ang bigat na sa pakiramdam. mahal kita, oo, pero parang ako nalang lagi yung nag aadjust. napapansin ko kasi, pag nagtatampo ako, hindi mo ko sinusuyo. parang hinahayaan mo lang ako hanggang sa ako nalang din yung mapagod. hindi naman ako naghahanap ng malaking effort, kahit konting lambing lang sana, konting assurance na importante ako sayo. tapos minsan, ang bilis mo magalit kahit maliit na bagay lang. kahit anong gawin ko, parang may mali pa rin. nakakaubos din kasi, parang wala akong ginawang tama sa paningin mo. hindi ko rin maiwasan maramdaman na kulang na yung pagiging sweet mo sakin. dati ang lambing mo, ngayon parang wala na. uhaw na uhaw ako sa atensyon mo, hindi dahil needy ako, kundi dahil ikaw yung girlfriend ko, sayo ko hinahanap yun. ayoko dumating sa point na mapagod ako ng tuluyan. kasi totoo, mahal kita at gusto ko pa ayusin to. pero sana ikaw din, marealize mo kung ano yung napaparamdam mo sakin. kung darating yung time na marealize mo lahat ng to, at gusto mo ayusin, nandito pa rin ako. hindi naman ako perpekto, may mali rin ako, at handa ako magbago at bumawi. pero sana hindi lang ako yung gumagalaw, sana pareho tayo. gusto ko lang naman maramdaman na mahalaga ako sayo, yun lang.
2026-05-19 14:36:02