@official_up_diliman: Nagsagawa ng walkout noong Mayo 5 ang komunidad ng UP Diliman bilang paggunita sa mapagpalayang buhay ni Alyssa Alano. Nagmartsa ang mga dumalo mula AS Steps patungong UP Film Center–Cine Adarna, upang bigyang-pugay at kilalanin ang pagsasabuhay niya sa kaniyang adbokasiya. Kabilang si Alano sa 19 na pinaslang sa isang operasyong isinagawa sa Toboso, Negros Occidental noong Abril 19 ng 79th Infantry Battalion ng Armed Forces of the Philippines. Higit sa paggunita sa buhay ni Alyssa, nanawagan din ang mga nakibahagi sa walkout at protesta na pairalin ang katotohanan at panaigin ang hustisya. #HustisyaParaKayAlyssaAlano #HustisyaParaSaNegros19 #UPDiliman