@gmanews: KAWAY NA KAWAY SA CAM 😂📹 Pinusuan ng netizens ang isang engineer na napansing kumakaway sa camera tuwing nasasaktuhan ng spotlight habang ginaganap ang isang oath-taking ceremony sa isang convention center sa Pasay City noong May 7, 2026. Ayon kay YouScooper Marc Pastores, naaliw lamang sila sa reaksiyon ng kanilang kasamahan sa oath-taking kaya nila ito ibinahagi online. Hindi rin umano nila inasahan na agad itong magte-trend sa social media. Mistulang kahit hindi topnotcher ang kasabay nilang palaging nahahagip ng camera, panalo pa rin siya dahil sa exposure na nakuha niya noong araw na iyon. #YouScoop Courtesy: YouScooper Marc Pastores