@gmanews: SUPPLY NG TUBIG SA VIRAC, CATANDUANES, NASA KRITIKAL NA ANTAS; ROTATING WATER SCHEDULE, IPINATUTUPAD PANOORIN: Nasa kritikal na antas na ang supply ng tubig sa Virac, Catanduanes bunsod ng nararanasang matinding init ng panahon o high heat index na nagresulta sa patuloy na paghina ng produksyon ng tubig. Dahil dito, ipinatutupad ng Virac Water District (VIWAD) ang pansamantalang "water valving schedule" simula ngayong araw, May 15, 2026. Nanawagan ang pamunuan ng VIWAD sa mga consumer na mag-imbak ng sapat na supply at agad na i-report ang mga makikitang leak sa mga pipeline upang makatulong sa konserbasyon ng tubig habang hindi pa bumabalik sa normal ang sitwasyon. | via Jinky Tabor/Stringer Bisitahin ang www.gmanetwork.com/news para sa pinakabagong balita. #BreakingNewsPH #GMANews