thea. :
For me, okay lang talaga if mahilig siyang mag-bike. It’s part of who he is, and I respect that. Hindi naman kasi dapat hinihingi sa isang tao na i-give up yung mga bagay na nagpapasaya sa kanya just to fit into a relationship. For me, mas healthy pa nga yung ganun, kasi it shows na may sarili siyang mundo at hindi lang umiikot sa relationship.
Ang importante lang talaga is marunong siyang mag-manage ng time at priorities niya. Kahit may hobby siya, dapat alam pa rin niya kung paano magbigay ng effort, oras, at consistency. Hindi naman kailangan pumili between passion and relationship, kasi kung maayos ang communication at may respeto, kayang pagsabayin yun.
Para sakin, mas okay na may passion ang isang tao kaysa wala. It shows discipline, growth, and a sense of direction. At the same time, mahalaga din na both sides marunong umintindi at mag-adjust when needed.
At the end of the day, hindi naman yung pagba-bike ang issue nasa kung paano niyo pinapahalagahan yung isa’t isa habang may kanya-kanya kayong ginagawa sa buhay. (wow peace✌️)
2026-05-16 14:49:42