@raelaz31: Para kay Professor Louie Montemar ng Civil Society, Konsyumer, at Mamamayan, mahirap umanong pagkatiwalaan ang mga Cayetano sa politika. Aniya, nakababahala ang mga kaganapan sa Senado at ang pahayag ni Alan Peter Cayetano na “under attack” ang institusyon—na posibleng ginagamit umano upang maantala ang impeachment proceedings laban kay Sara Duterte. Sa gitna ng isyung ito, ang tanong ng marami: ano ang pulso ng bayan? #Cayetano #Senado #PulsoNgBayan #Impeachment #CivilSociety