@joey.sigue: #creatorsearchinsights GHOST PROJECTS NOONG DUTERTE ADMIN ISA UMANO SA NAGPABAON SA UTANG NG BANSA AYON KAY USEC. CASTRO Umabot na sa mahigit P18.49 trillion ang outstanding debt ng Pilipinas nitong Marso, batay sa datos ng Bureau of the Treasury. Sa gitna nito, itinuro ng Malacañang ang umano’y mga iregularidad noong nakaraang administrasyon bilang isa sa mga dahilan ng paglobo ng utang ng bansa. Sinabi ni Palace Press Officer Usec. Claire Castro na minana lamang umano ng administrasyong Marcos ang malaking pagkakautang mula sa panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Binanggit din ni Castro ang kontrobersiya sa Pharmally at mga umano’y “ghost projects” sa ilalim ng Build, Build, Build program na nakadagdag daw sa pasanin ng gobyerno. "Lumaki ang utang dahil namana ni Pangulong Marcos Jr. ang napakalaking utang,” pahayag niya. Ipinapakita ng pahayag ng Palasyo na patuloy na isinisisi ng kasalukuyang administrasyon sa nakaraang gobyerno ang bigat ng problemang pinansyal na kinahaharap ngayon ng bansa. #NewsUpdate #pbbmadministration #UtangngPilipinas #BongbongMarcos