@secrectwriter: Pangarap Pangarap—walong letra, ngunit kay hirap abutin lalo na kung salat sa salapi at kapos sa paningin ng bukas. Noong bata ka pa lamang, matayog na ang iyong mga pangarap; may ngiti pa sa iyong mga labi habang buong siglang binibigkas ang mga ito. Sabi mo noon, nais mong maging tanyag na manunulat at makapag-aral sa isang kilalang unibersidad. Ngunit habang ikaw ay nagkakaedad, unti-unting nagbago ang lahat. Sa hirap ng buhay, tila naging bula ang iyong mga ambisyon— madaling mabuo, ngunit mabilis ding naglaho. Sapagkat sa panahon ngayon, ang edukasyon ay tila isang pribilehiyong napakamahal abutin. Habang minamasdan mo ang kalangitan, hawak ang isang baso ng kape, sa bawat higop nito ay bumabalik ang tanong sa iyong isipan: “Makakamit ko pa kaya ang aking pangarap?” Disclaimer :No copy right intended music belong to the right owner . Image use only for background of poem 🤍✍️#tula #fyp #spoken
secrect-writer
Region: PH
Monday 18 May 2026 06:36:42 GMT
Music
Download
Comments
There are no more comments for this video.
To see more videos from user @secrectwriter, please go to the Tikwm
homepage.