@joshuapaul3004: “Unang naglalaho ang mali sa pagkatao sa gitna ang pag sisisi at nasa huli ang pagbabago” Marahil ay madalas na natin tong marinig Sa magulang, sa iniibig, Mga maestro o sa ibang mga tao Pilit mo nang iniiwasan, Pero bakit patuloy pa rin sa dinadaanan Sadya nga bang takot lng tumawid sa dilim Kaya pauli ulit lng sa nilalakaran Hihintayin paba mawala ang lahat sa huli Bago tuluyan mag sisi Kay hirap palang habulin ang kahapong lumisan, sapagkat ang oras ay hindi marunong lumingon kailanman. At sa bawat pagaspas ng hanging malamlam ang himig, ang “sana” ay waring dasal na sa langit ay hindi marinig At sa huli, saka lamang matututunan ang pagbabago, kapag ang lahat ng pagkakamali’y tuluyang tumino Sapagkat ang tao’y hindi agad namumulat sa katotohanan, hangga’t hindi siya winawasak ng sariling kasalanan. Kaya ngayo’y hawak ko ang mapait na katotohanan na ang pagsisisi’y hindi dumarating sa kasibulan, kundi sa sandaling ang lahat ay wala na at ang natitira’y mga alaalang hindi na muling mabubura #fyp #fliptop #poetry #sakmaestro

Joshua
Joshua
Open In TikTok:
Region: PH
Tuesday 19 May 2026 10:08:36 GMT
7928
200
3
35

Music

Download

Comments

livinglifesopcspul
J :
Sarap talaga pakinggan ng line per line ni sak pag gantong Performance e no
2026-05-21 04:05:41
1
lmvillareal
Louise Miguel :
☝🏻
2026-05-19 11:18:54
1
To see more videos from user @joshuapaul3004, please go to the Tikwm homepage.

Other Videos


About