aizen projo :
kung gaano mo kamahal yung sarili mo, dun din kasi nagbabase kung paano mo tatanggapin yung sakit kapag may taong pumasok sa buhay mo. kasi kung buo ka na bago ka magmahal, hindi ka basta-basta madudurog kapag nasaktan ka. masasaktan ka, oo, pero hindi ka mawawala sa sarili mo. pero kapag pumasok ka sa isang relasyon na kulang ka pa, na parang may hinahanap kang pupuno sayo, dun nagiging delikado. kasi ibibigay mo lahat, hindi dahil mahal mo lang, kundi dahil umaasa ka na ibabalik sayo yung kulang na nararamdaman mo. at kapag hindi yun nangyari, mas doble yung sakit. kaya totoo yung sinasabi na kung gaano kalalim yung pagmamahal mo, ganon din kalalim yung sakit na pwedeng bumalik sayo. hindi dahil mali magmahal, kundi dahil minsan sobra na yung binibigay mo hanggang sa nakakalimutan mo na sarili mo. ang pagmamahal kasi hindi dapat laro lang o trip lang. hindi yan dapat ginagawa dahil may gusto ka lang makuha sa tao attention, comfort, o kahit anong pakinabang. kasi kapag ganun, hindi yun totoong pagmamahal, parang ginagamit mo lang yung tao para punuan yung kailangan mo. kapag magmahal ka, dapat buo ka. hindi ka naghahanap ng pupuno sayo, kundi may kaya ka nang ibigay kahit walang kapalit. totoo ka sa nararamdaman mo, hindi mo nilalaro yung emosyon ng iba, at hindi ka papasok sa buhay ng tao kung hindi mo kayang panindigan yung presence mo. kasi sa totoo lang, madaling magsabi ng ‘mahal kita’, pero mahirap panindigan yun lalo na kapag dumating na yung panahon na hindi na puro saya. dun mo makikita kung totoo ka ba, o nandun ka lang kasi may nakukuha ka. kaya bago ka magmahal ng iba, siguraduhin mo muna na mahal mo sarili mo ng tama. kasi yun lang yung magse-set ng limit kung hanggang saan ka lang magbibigay, at yun din yung magpapaalala sayo na kahit masaktan ka, hindi mo kailangang mawala sa sarili mo.
2026-05-28 12:15:24