@jd0088jd: OVP-SMSO, NAGSAGAWA NG RELIEF OPERATIONS SA BRGY. 23-C, DAVAO CITY Isang malaking sunog ang sumiklab sa Purok 4D, Barangay 23-C, Davao City noong Mayo 8, 2026, na umabot sa ikaapat na alarma ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP). Dahil dito, 486 pamilya ang nawalan ng kanilang mga tahanan. Pansamantalang inilikas ang mga apektadong pamilya sa Barangay 23-C Basketball Gym, kung saan agad na nagsagawa ng relief distribution ang Office of the Vice President – Southern Mindanao Satellite Office (OVP-SMSO). Namahagi ang OVP ng relief bags upang makatulong sa agarang pangangailangan ng mga pamilyang naapektuhan ng sunog. Taos-pusong nagpapasalamat ang Tanggapan sa City Social Welfare and Development Office (CSWDO) at sa mga opisyal ng Barangay 23-C sa kanilang koordinasyon at suporta upang maging maayos at mabilis ang pamamahagi ng tulong. Sa panahon ng sakuna, patuloy na naghahatid ang Office of the Vice President ng agarang tulong, malasakit, at pag-asa sa mga pamilyang nangangailangan. #OVPUpdates #VPSaraDuterte #MahalinNatinAngPilipinas #OVPReliefOperations #OVPSMSO @inday.saraduterte @Office of the Vice President

JD
JD
Open In TikTok:
Region: PH
Thursday 21 May 2026 00:49:22 GMT
782
89
0
1

Music

Download

Comments

There are no more comments for this video.
To see more videos from user @jd0088jd, please go to the Tikwm homepage.

Other Videos


About