@achadinhodalah: Livro de romance/drama diário de uma paixão #livro #diariodeumapaixao #livroderomance

Achadinhos da La
Achadinhos da La
Open In TikTok:
Region: BR
Thursday 21 May 2026 15:09:58 GMT
1601
13
0
0

Music

Download

Comments

There are no more comments for this video.
To see more videos from user @achadinhodalah, please go to the Tikwm homepage.

Other Videos


"Kapag ipinanganak kang mahirap tapos unti-unti kang kumikita, binibili mo na yung mga bagay na akala mo dati para lang sa mayaman. Nakakatawa lang kasi may iba na tinatawag kang hambog. Pero sa totoo lang, you're just healing your inner child." Naalala ko tuloy yung mga bagay na dati hanggang tingin lang ako. Yung dumadaan ka sa mall. Nakatingin sa mga display. Alam mong gusto mo Pero alam mo ring hindi pwede. Kaya sasabihin mo na lang sa sarili mo na okay lang. Hindi naman kailangan Hindi naman importante. Pero ang totoo, gusto mo rin. Katulad ng ibang bata Katulad ng ibang tao. Kaya kapag dumating yung panahon na kaya mo na, iba yung pakiramdam. Hindi dahil gusto mong magpasikat Hindi dahil gusto mong ipakita sa iba na may pera ka. Kundi dahil may parte sa puso mo na matagal na naghintay. Yung parte na sanay magtiis Yung parte na sanay unahin ang pangangailangan kaysa sa gusto. At minsan nakakalungkot na may mga taong tingin agad ay yabang. Hindi nila nakita yung mga araw na puro pangarap pa lang lahat. Hindi nila nakita yung mga pagkakataong kailangan mong tumanggi sa sarili mong gusto. Hindi nila nakita yung mga bagay na isinakripisyo mo para lang makaraos. Hindi lahat ng binibili natin ay para magpasikat. May mga bagay na binibili natin para sa batang minsang naniwalang hindi niya iyon mararanasan. At baka kaya espesyal ang pakiramdam. Kasi hindi lang pala gamit ang nabibili natin. Minsan binibili rin natin yung pakiramdam na dati akala natin hindi natin maaabot. #rosedealdayumali #lifelessons #HealingJourney #innerchild #growthmindset

About