@gmanews: “ALAM KO NA ‘YAN EH” — "OH ITO, HINDI PA!" Nagulat at napasigaw ang mga bisita sa isang birthday party sa Cabuyao, Laguna matapos maglabas ng ahas ang isang magician sa kalagitnaan ng kaniyang performance. “Nag-volunteer ako sumali just for experience since hindi ko na-experience 'yung mga ganoon (noong bata)”, kuwento ng uploader na si YouScooper Pearl Jam Santos. Ayon sa kaniya, sanay siyang makakita ng ibon o rabbit sa mga napapanood niya na magic videos kaya hindi niya inasahang ahas ang ilalabas sa trick. Sa sobrang gulat at takot ay naitulak niya pa ang bata sa kaniyang harapan. Hirit naman ng ilang netizen, “na-heal na po ba inner child mo?” #YouScoop Courtesy: YouScooper Pearl Jam Santos #gmanews #breakingnewsph