Z :
While listening to this cover, Parang may kung anong humawak sa puso ko. Hindi ko ma-explain nang buo, pero
while watching you guys and listening sa song na yan, tumulo na lang yung luha ko. Dito ko narealize na kahit alam kong makasalanan ako at maraming pagkukulang, ramdam ko pa rin yung pagmamahal ng Diyos sakin. Napaisip ako… gusto kong maranasan eto someday. Yung moment na nasa tabing dagat ako, dawnwatch (waiting sa sunrise) Tahimik lang. Walang ingay. Walang pressure. Ako lang, ang waves at si Lord.
Iniimagine ko yung sarili ko na naghihintay sa sunrise habang nagpupuri sa Kanya. Nakataas yung kamay ko, while worshipping Him, crying, kneeling down. Hindi dahil perfect ako, kundi dahil sobrang grateful ako na kahit paulit-ulit akong nagkakamali, hindi Niya ako iniiwan. Siguro sa moment na yun, mararamdaman ko yung peace na matagal ko nang hinahanap. Yung tipong wala akong kailangang patunayan. Kundi simpleng presence lang ni Lord sapat na. Habang sumisikat yung araw, gusto kong maalala na every sunrise is another reminder na may bagong awa at bagong chance ulit. Na kahit may failures ako, hindi doon natatapos yung story ko.
I pray na dumating yung araw na maranasan ko talaga yun. Yung tahimik na worship by the sea habang pinapanood ko yung sunrise. At sa moment na ganon, gusto ko lang sabihin:
Thank You, Lord, kasi kahit hindi ako deserving, minahal Mo pa rin ako. INVITE NIYO NGA AKO SA MGA YOUTH CAMP! 🥺
2026-05-27 13:07:29